Friday, August 26, 2011

Isang Paggunita sa Mga Awiting Filipino





"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala." - Jose Rizal

Tuwing buwan ng Agosto ang ginugunita sa ating bansa ang Linggo at ang Buwan ng Wika. Ito'y isang pagdiriwang na isinasagawa bilang pag-alala sa kaarawan ng tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa," Pangulong Manuel L. Quezon. Naalala ko pa ang mga panahon nung ako ay nasa elementarya at sekondarya ang mga aktibidad gaya ng mga patimpalak sa pagtula, pag-awit, at iba pa upang pahalagahan ang Pambansang Wika. Sa panahon ngayon, marami na sa ating ang nakakalimot sa kahalagahan nito dahil sa "globalization." Aaminin ko, kahit ako na tubong-Bulakan ay nahihirapan nang magsalita sa Filipino or magsalin sa Filipino ng mga salita mula wikang Ingles.

Dumalo ako ng patimpalak sa paaralan ng aking pamangkin kaya napaalala sa akin ang pagdiriwang na ito. Naalala ko rin ang mga lumang awiting Pilipino na madalas kong awitin nung ako'y bata pa. :) Nais kong ibahagi sa inyo ang ilan sa kanila sa pamamagitan ng "blog" na ito. At isa na ring paalala sa aking sarili upang hindi ko makalimutan ang isang mahalagang bahagi ng ating kultura. :)

Alam nyo ba ang mga awiting ito? (",)


Bahay Kubo (Nipa Hut)

Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari.
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.

Kundol, patola, upo't kalabasa
At saka mayroon pang labanos, mustasa,
sibuyas, kamatis, bawang at luya
sa paligid-ligid ay puro linga.


Paruparong Bukid

Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papagapagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad

May payneta pa siya — uy!
May suklay pa man din — uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad nang pakendeng-kendeng.


Sitsiritsit, Alibangbang

Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri'y parang tandang

Santo NiƱo sa Pandakan
Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam

Mama, mama, namamangka
Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.
Ale, ale, namamayong
Pasukubin yaring sanggol.
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.


Ang Pipit (The Bird)

May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy
At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon
Dahil sa sakit, di na nakaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog,
ngunit parang taong bumigkas,
"Mamang kay lupit, ang puso mo'y di na nahabag,
Pag pumanaw ang buhay ko, may isang pipit na iiyak."



Mga Sanggunian:
* Ang larawan ay likha ng unang Pambansang Alagad ng Sining na si Fernando Amorsolo

No comments:

Post a Comment

Hello! Thank you for checking out my post! :) Please feel free to leave me some <3 notes. (",)